Malaking pasasalamat ng mga magsasaka sa bagong tulay na ipinagkaloob sa kanila ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Aurelio Umali at ng Sanguniang Panlalawigan sa pangunguna ng Bise Gobernador Doc Anthony Matias Umali.

Malaking tulong ang tulay sa mga magsasaka, lalo na sa San Alejandro, Quezon at sa Bibiclat Aliaga na karaniwang pinagkakakitaan ang pagtatanim ng palay at gulay.

Napabilis na kasi ang pagdadala ng kanilang mga produkto sa bayan para maibenta.

Kaya malaking ginhawa rin ito sa mga motorista at maging sa mga estudyante, at mga empleyado na nanggagaling sa Bayan ng Quezon patungo sa Bayan ng Aliaga hanggang sa Centro ng Cabanatuan.

Sa mga nanggagaling naman ng Guimba patungong Aliaga ay mas malapit narin kapag dito tatawid sa bagong tulay lalo na kapag may emergency ay hindi na kailangang umikot sa malayo dahil may access na papunta sa iba’t ibang bayan.

Ayon kay Project Engineer Georgina Esguerra, naipagawa ang tulay sa atas ng gobernador na upang magkaroon ng road acces para mapabilis ang byahe ng mga magsasaka.

Ang naturang tulay ay may habang 78 meters at may luwang na 7 meters.

Alternative route rin ito ng mga byahero mula sa mga kalapit bayan gaya ng Guimba, Licab, Aliaga, Sto. Domingo at Talavera, Cabanatuan.