BABALA! SENSITIBONG BALITA:
BANGKAY NG YUMAO, HINUHUKAY PARA MAKASAMA NG PAMILYA SA BAHAY
Sa lugar ng Sulawesi, Indonesia, matatagpuan ang mga tao ng Toraja na kasama nila sa kanilang bahay ang yumao nilang pamilya.
Idinadaos ang isang kakaibang tradisyon na kung tawagin ay ‘Ma’nene’ ritual.
Taun-taon ay pinupuntahan ng magpapamilya ang bawat libingan ng kanilang mga mahal sa buhay na yumao para hukayin at kunin ang bangkay. Lilinisin nila ito, bibihisan at saka ipaparada. Pinapalamutian nila ng magagandang tela at dekorasyon ang bawat ataul ng mga bangkay para mas maging makulay at kapansin-pansin. Tumatagal ng ilang buwan o kung minsan ay taon pa ang pananatili ng mga ito sa kanilang tahanan bago bigyan ulit ng maayos na libing.
Sa panahon ng pista, kinakausap ng pamilya ang bangkay ng mahal nila sa buhay, binibigyan din ito ng pagkain at isinasama sa mga pagtitipon na para bang sila ay buhay pa.
Ang iba naman ay sinasamantala na makapagpa picture at makasama ang kanilang mahal sa buhay.
Alam nyo ba na kapag namatay ang isang Torajan ay napakamahal? Kaya kapag mayroong namatay sa kanila ay nilalagyan nila ito ng formalin para hindi agad mabubulok ang katawan nito at para ma mummify, at inilalagay nila ito sa isang kwarto na tinatawag nilang Tongkonan, isang tradisyonal na bahay na hugis bangkang bubong.
Dahil naniniwala sila na ang kaluluwa ng yumao nilang kapamilya ay nasa bahay lang at para sa kanila ito ay may sakit lang, o tinatawag nilang makula o sick person at hindi nila nakokonsidera na patay ang mga yumao hanggat hindi pa nangyayari ang funeral o paglilibing.
Sa Torajan Indonesia ay napakamahal mamatay, kaya nag-iipon muna ang kanilang pamilya para ito ay mabigyan ng magandang libing.
Sa kanilang kultura ang paglilibing ay ang pinaka importanteng araw para sa buhay ng isang tao.
Kailangan ng engrandeng selebrasyon na para itong fiesta. Tumatagal ng isang lingo o higit pa at kailangan na magkatay ng napakaraming hayop at ang pinaka importanteng hayop na hindi mawawala sa funeral ay ang kalabaw.
Para kasi sa mga Torajans ang kaluluwa ng kalabaw ay siyang magga-guide at poproteksiyonan ang namatay patungo sa the land of the spirits o Puya at kapag maraming nakatay na mga kalabaw ay mas malaki ang respetong matatangap ng yumao at ng pamilya sa ginagawang engrandeng selebrasyon.
Ang libing ng isang mayaman at kilalang tao sa kanilang lugar ay umaabot ng 25 hanggang 100 na kalabaw ang kinakatay. Umaabot sa Php 72,000 ang isang kalabaw at umaabot naman sa 2 million kapag puti ang ulo ng kalabaw at blue namn ang mata nito.
Meron din na umaabot sa $500,000 o Php 29 million ang mga kinakatay na kalabaw para ipamigay sa mga bisita.
Tuwing isa o tatlong taon depende sa napag-usapan ng pamilya ay kinukuha nila ang mga bangkay at kanilang nililinisan, pinapatuyo sa araw at papalitan ng damit. Ginaganap ito sa tuwing Buwan ng Agosto. Dahil naniniwala ang mga Torajans na ang ritual na ito ay magbibigay sa kanila ng masaganang buhay.
Pagkatapos ng ritual ang bangkay ay hindi nila inililibing sa lupa kundi ibinabalik lang din nila ito sa kuweba o sa mosuleum na kanilang libingan.

