BARANGAY GINEBRA, PASOK NA SA SEMI FINALS, MERALCO NILASING NG TATLONG BESES

Biyaheng semis na ang Ginebra, lasingin ang Meralco sa game 3: 113-106 sa best-of-five quarterfinals ng PBA Season 49 Governor’s Cup sa Ninoy Aquino Stadium nitong Lunes ng gabi.

Pinangunahan nina Justin Brownlee, Stephen Holt, Maverick Ahanmisi, RJ Abarrientos ang silinyador sa fourth quarter at umahon mula 78-68 deficit sa third para kumpletuhin ang three-game sweep.

Ayon kay coach Team Cone, Nagulat umano ito na kaya pala nilang talunin sa tatlong Laro ang Meralco kahit wala si Jeremiah Grey at Jaime malonzo na nasa enjured list “Patuloy na umiikot ang bola pabor sa amin.

Tumapos si Brownlee ng 23 points, Katulong ang 19 points, 7 rebounds, 5 assists si Holt. Naka-double digits din sina Japeth Aguilar (19 points, 8 rebounds), Abarrientos (17 markers, 6 rebounds, 6 assists) at Ahamisi (17 points, 7 boards, 3/6 sa 3s).

Hindi pa tinatalo ng Bolts si Justin Brownlee sa playoffs, pero silat ang Ginebra sa Meralco sa pitong laro sa semis ng nakaraang Season 48 Philippine Cup.

Nasayang naman ang score ni Allen Durham mula second quarter hanggang fourth ang 33 sa kanyang game-high 38 points pero hindi napigil ang exit ng Meralco. May 13 rebounds pa si AD, umayuda ng 19 points ni Bong Quinto na 3 for 3 sa 3s at May 14 si Chris Newsome.

Pagkatapos ng 9 deadlocks at 16 lead changes, nag-ingay na ang pro-Ginebra crowd ng Malate venue nang agawin ng fan-favorites ang unahan 97-94 sa three-point play ni Abarrientos.

Sa back-to-back 3s nina Ahanmisi at Holt, umagwat na ang Gins 105-98, 2:37 na lang. Nakakuha pa ng magkasunod na baskets sina Scottie Thompson at Aguilar na nagresulta rin sa kanilang baskets 109-102.

Huling kumikig ang Bolts sa 4-ball ni Anjo Caram 109-106 may 22 ticks na lang bago sinelyuhan ng apat na free throws nina Holt at Ahanmisi ang panalo.

Hihintayin ng Gins sa best of seven final four ang winner ng San Miguel-Converge series.