BARANGAY SK ELECTIONS, PAGBOBOTOHAN NG KONGRESO AT SENADO
Inihayag nitong Lunes ni Senate President Chiz Escudero sa ginanap na briefing ng Liga ng mga Barangay sa Naga City, Camarines Sur na tinalakay ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) noong nakaraang linggo na ituloy ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Decemmber 2025.
Ngunit, kailangan aniya itong desisyunan ng Kongreso at Senado.
Paliwanag ni Senator Escudero, pinostponed ang eleksyon pagkatapos ay isinet ito sa Disyembre nang hindi binabanggit kung gaano kahaba ang magiging termino ng mga lokal na opisyal. Kaya ang napag-usapan umano ay bigyan sila ng apat na taong termino. Pero kailangang talakayin ito at pagbotohan sa plenaryo ng Congress at Senate.
Dahil sa bersyon ng ipinasang panukala ng senado, apat na taong termino ang ipagkakaloob sa barangay officials, habang sa bersyon naman sa House of Representatives ay anim na taon.
Kapag hindi aniya ito inaksyunan ng Kongreso at Senado ay mananaig ang umiiral na batas.
Umattend sa briefing si former Vice President and incoming Naga City mayor Leni Robredo at nag-courtesy call kay Senate President Escudero. Ibinahagi niya na umaasa siyang mai-pagpapaliban ngayong taon ang eleksyon dahil masyado umanong maikli ang dalawang taong termino kung saan walang sapat na panahon ang incumbent barangay officials na tuparin ang kanilang mga ipinangako noong kampanyahan.
Noong buwan ng Abril, 2025 ay naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng calendar of activities para sa 2025 BSKE.
Kabilang ang Voter registration and applications for membership to the Katipunan ng Kabataan sa darating na July 1- 11, 2025.

