BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Dinakip sa isinagawang entrapment operation ng kapulisan sa Bulacan ang isang barangay tanod dahil umano sa pagbebenta ng iligal na baril noong January 31, 2024.
Kinilala ang suspek na si alias ‘Vic’, 45 years old, at residente ng barangay Tangos sa Baliwag, Bulacan.
Base sa report ng Police Regional Office 3, 11:30 ng gabi nang dakpin ang suspek habang ibinebenta ang one (1) Smith & Wesson Caliber .38 revolver na walang serial number na nagkakahalaga ng Php3,000.00.
Nakuha rin umano ng mga awtoridad mula sa kanya ang dalawang bala ng nasabing baril, one (1) improvised shotgun, and Caliber .22 Pistol, four (4) 12-gauge ammunition, one (1) Caliber .22 magazine, one (1) black holster, isang shoulder bag, isang Kawasaki Bajaj motorcycle, at dalawang bundle ng pera.
Kakaharapin ng suspek ang kasong violation of Comprehensive Law on Firearms and ammunition (RA 10591).

