BASANG PALAY NG MAGSASAKA SA CABIAO, IBEBENTA NA SANA SA MAG-IITIK; BINILI NG KAPITOLYO SA HALAGANG TRIPLE
Imbes na malugi, nakabawi sa ginastos at kumita ang magsasakang si Cesar Sigua mula sa Barangay Sta. Isabel, Cabiao.
Dahil kahit basa ang inani niyang palay ay binili ito ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Food Council.
Ayon kay Mang Cesar, ang presyo ng palay sa kanilang lugar ay P6.70 lamang. Kaya balak na sana niyang ibenta na lamang ito sa mag-iitik.
Ngunit kinuha ito ng PFC sa halagang P15.00 na halos P8.00 ang itinaas sa presyo.
Kung wala aniyang sasagip sa kanilang kabuhayan ay mapipilitan na siyang tumigil sa pagsasaka at mamamasukan na lamang bilang construction worker.

