unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

BATA, MULING NAKATAGPO NG PAG-ASA SA ASO NA KAMUKHA NG KANYANG NAWALANG ALAGA

Posted by philpiccio | Feb 8, 2026 | 0

BATA, MULING NAKATAGPO NG PAG-ASA SA ASO NA KAMUKHA NG KANYANG NAWALANG ALAGA

Isang bata nakaaantig na kuwento ng pag-ibig at tadhana ang ibinahagi ng Animal Kingdom Foundation (AKF) sa kanilang facebook page, matapos matagpuan ng anim na taong gulang na si Jenzel ang asong tila repleksiyon ng kanyang unang alaga sa isang pet adoption drive sa SM City Tarlac.

Ayon sa post ng AKF, dalawang taong gulang pa lamang si Jenzel nang makasama niya ang unang aso nilang si Bogart.

Lumaki umano silang magkasama at nabuo ang isang matibay na samahan, ngunit noong nakaraang taon, pumanaw si Bogart, isang pangyayaring labis na ikinabigat ng loob ng bata.

Madalas umanong banggitin ni Jenzel ang pag-asang masaya si Bogart sa langit at may kalaro roon.

Sa huling sandali ng adoption drive ng AKF sa SM City Tarlac, kamakailan, isang aso na lamang ang hindi pa naaampon na si Sasa, isang dog meat trade survivor.

Habang nag-iimpake na ang mga boluntaryo at inihahanda na si Sasa para ibalik sa shelter, dumaan ang pamilya Garcia, doon nakita ni Jenzel si Sasa, isang asong kamukhang-kamukha ni Bogart.

BATA, MULING NAKATAGPO NG PAG-ASA SA ASO NA KAMUKHA NG KANYANG NAWALANG ALAGA

Agad na nakiusap ang bata na ampunin si Sasa, dahil para umano sa kanya, tila muling nagbalik ang kanyang kaibigan, isang “girl version” ni Bogart, ayon sa AKF.

Ibinahagi rin ng AKF na nasaksihan ni Sasa ang isa-isang pag-ampon sa kanyang pitong kaibigang aso bago siya maiwan mag-isa.

Nagdulot ito ng lungkot sa mga boluntaryo, subalit nauwi sa tuwa ang lahat nang matagpuan ni Sasa ang kanyang “forever family” sa pinakahuling sandali.

Marami ang nagpahayag ng kanilang emosyon sa mga komento, sinasabing “itinadhana” ang lahat, na si Sasa ay naiwan upang makita agad ni Jenzel, at na ang pagdating ng bata ay patunay na ang tamang oras ay darating para sa bawat nailigtas na hayop.

May ilan ding humanga sa malasakit ni Jenzel sa murang edad, at naniniwalang siya’y magiging tagapagtanggol ng mga hayop paglaki niya.

Sa pagtatapos ng araw, umuwi ang AKF na walang lamang mga kulungan, kaya nagpahayag ng pasasalamat ang Animal Kingdom Foundation sa mga Tarlaqueño, sa SM City Tarlac, at sa lahat ng boluntaryong tumulong sa matagumpay na adoption drive.

Share:

PreviousNAANTALANG PROYEKTO SA PAMPANGA, MAMADALIIN NA UMANO NG DPWH
NextPARAAN UPANG PALAKASIN ANG LOOB NG INYONG ANAK

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

LASANG ZARAGOZA: BURO AT TINAPA, SAGOT SA PANLASA NG MASA!

LASANG ZARAGOZA: BURO AT TINAPA, SAGOT SA PANLASA NG MASA!

April 7, 2024

LANSANGAN: PALARUAN NA NAGING HULING HANTUNGAN NG ISANG BATA

LANSANGAN: PALARUAN NA NAGING HULING HANTUNGAN NG ISANG BATA

May 5, 2025

LALAKI, NAWALAN NG MEMORYA ISANG ARAW PAGKATAPOS NG KANYANG KASAL

LALAKI, NAWALAN NG MEMORYA ISANG ARAW PAGKATAPOS NG KANYANG KASAL

June 30, 2024

BAGONG FINE DINING RESTAURANT SA CABIAO, SOSYAL PERO HINDI MAHAL

BAGONG FINE DINING RESTAURANT SA CABIAO, SOSYAL PERO HINDI MAHAL

April 1, 2024

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .