Pumirma na sa Memorandum of Agreement sina Dr. Evaristo A. Abella, Pangulo ng CLSU, at Guimba Mayor Jesulito E. Galapon bilang ikatlong lugar na nag implementa ng Techno Village Development Program noong Marso 22, 2024 na ginanap sa Guimba Municipal Hall.

Ang TVDP ay nagsimula bilang konsepto ni Dr. Edgar A. Orden, dating Pangulo ng CLSU at kasalukuyang Bise Pangulo ng Research and Extension and Extension Program Director.

Layunin nito na baguhin at mapa-unlad ang mga pamayanan kung saan ang mga teknolohiyang likha ng CLSU ay gagamitin upang matulungan ang bawat mamamayan.

Nagsimula ang programa noong 2021 at unang naipatupad sa bayan ng Science City of Muñoz at Talavera, Nueva Ecija.

Ang mga teknolohiya na itatampok ay ang Special Purpose Rice, Dairy Goat, Tilapia Grow-out, Itik Pinas, Mushroom Spawn Production, at Soybean Production.

Pinayagan ng Pamahalaang Lokal ng Guimba ang implementasyon ng TVDP sa kanilang lugar at nangako na makipagtulungan sa CLSU upang magbigay ng suporta sa iba’t-ibang aspeto upang ito ay mapaunlad, pati na rin ang iba pang posibleng tulong mula sa IGU at mga partner na organisasyon sa pag-unlad.

Sa pagpapalawak ng TVDP sa mga lugar na nag implementa nito sa Nueva Ecija, inaasahan na ang pagpapalaganap at paggamit ng teknolohiya para sa pag-unlad ng bayan ay mapapabilis.

Para naman sa taong 2024, Inaasahang 6 na bagong munisipalidad ang mag susulong ng nasabing programa.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 17 barangay na may 106 magsasaka ang katuwang at kasali sa nasabing programa.