Bayanihan sa Mankayan, Pinagbuklod ang komunidad
Buhay na buhay ang Bayanihan sa Mankayan, Benguet matapos isaayos ng mga volunteers ang nasirang access road dahil sa Bagyong Uwan.
Nagkaisa ang mga minero, residente, at volunteers upang ayusin ang kalsada.
Ayon sa LGU, mahalaga ang daan dahil maraming byahero ang dumaraan dito.
Bahagi kasi ang kalsada ng national road papuntang northern Benguet at Cervantes, Ilocos Sur.
Samantala, inanunsyo ng LGU na ikaapat na araw na ng Bayanihan Road Repair noong ikalawang Sabado ng Enero 2026.
Kasama sa proyekto ang Busan, Colalo road restoration at riprap works.





Komunidad at mga Negosyante, Nagkaisa
Bukod dito, nag-donate ng materyales ang mga local business owners.
Tumulong din sa pagsasaayos ang mga small-scale miners, aggregates, at construction firms.
Giit ng mga residente, kailangang mabuksan agad ang kalsada, kaya’t hindi na sila naghintay ng tulong mula sa Department of Public Works and Highways.

