Hinikayat ni Police Region 3 Director PBGEN JOSE S HIDALGO JR ang publiko na mag-ingat sa pagsu-swimming sa mga beach at resort.
Dahil base sa report ng Regional Tactical Operations Center, mula buwan ng January hanggang March ngayong taon ay umabot sa total na 30 drowning incidents ang naitala, kung saan 27 persons ang namatay kabilang ang mga bata.
Habang noong nakaraang taong summer mula Enero hanggang Mayo ay nakapag record ng 45 na nalunod kung saan 42 ang binawian ng buhay.
Halos lahat ng drowning incidents ay naganap sa dagat at ang iba pa ay sa mga ilog.
Kaya nag-deploy ng mga tauhan ang awtoridad sa rehiyon sa Water Search and Rescue Teams (WASAR) sa mga beach at resort upang makatulong sa mga lifeguards at matiyak ang kaligtasan ng publiko.

