BE THE ONE NA HANDA SA BIG ONE
Nanginginig ka ba? Sa gutom? Sa kaba? O baka naman… dahil lumilindol na? Di pa nga tayo nakakalahati sa 2025, pero grabe na ang sunod-sunod na lindol!
May magnitude 3.9 sa Antique, 4.4 sa Leyte, 4.4 sa Davao Occidental, at kahit dito mismo sa Rizal, Nueva Ecija may naitalang 2.7 magnitude.
‘Di lang ‘yan, pati mga kapitbahay nating bansa gaya ng Turkey, Australia, at Papua New Guinea niyanig na rin.
LIndol dito, lindol doon! Ang tanong Ready ka ba? Naririnig mo na ba ‘yung tinatawag na “Big One”? ‘Yan yung posibleng magnitude 7.2 na lindol kapag gumalaw ang West Valley Fault, isa sa mga pinaka-active na fault sa bansa.
Now you might be thinking: “Eh malayo naman tayo sa West Valley Fault, safe na siguro tayo, no?” Well… not really.
Kahit di direct hit, mararamdaman pa rin natin ang pagyanig nito. Plus, may sariling fault lines din tayo dito sa Nueva Ecija, tulad ng Dingalan Segment ng DRT Fault.
Pero teka, relax lang. Breathe in, breathe out. Hindi kita tinatakot ha, ni-reready lang kita. Tara, alamin natin kung paano maging #Be The One na Handa sa Big One!
Una, gamitin ang HazardHunterPH, libre mo lang itong maa-access online, I-type lang ang location mo, at ipapakita nito sayo kung may fault line, baha, o landslide risk sa inyong lugar. Hindi lang ‘yan, makikita rin dito ang mga malalapit na critical facilities katulad ng mga ospital at paaralan na pwede niyong puntahan kung kinakailangan niyo ng tulong at malilikasan.
Next step: PHIVOLCS Hazard Maps. I-search mo lang online at ilagay ang detalye ng lugar mo, ang map. Dito mo makikita kung gaano kalakas ang pwedeng pagyanig. Halimbawa, halos buong Cabanatuan ay kulay pula ibig sabihin, posibletayog makaranas ng malakas na lindol kapag gumalaw ang fault.
Get’s mo na ba kung bakit kailangan nating maging ready? Kaya bago pa mangyari ‘yan, i-check mo na ngayon pa lang. Prevention is better than… pagpapanic habang lumilindol!
At syempre, hindi lang tech tools ang kailangan. May mga simple steps ka rin na pwedeng gawin bago, habang, at pagkatpos ng paglindol. Makisali rin sa mga earthquake drill sa inyong paaralan, opisna, o kahit sa bahay niyo lang. practice makes panic-free! ‘Wag kalimutan ang Duck, Cover, and Hold.
Maghanda rin ng emergency kit: tubig, de lata, flashlight, power bank, at first aid. Mag-usap din ang family tungkol sa meeting point just in case magkahiwalay kayo. At pinakaimportante: kalma lang, huwag mag-panic.
Remember, sa bawat pagyanig, may chance tayong maging mas handa at mas matatag. Be smart. Be safe. Be the One na Handa sa Big One!

