BENEPISYARYO NG TUPAD, PADADAGDAGAN NI SEN. FRANCIS ‘TOL’ TOLENTINO
Dumalo si Senator Francis Tolentino sa San Jose City upang makiisa sa pamamahagi ng DOLE Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD pay-out.
Ibinahagi sa 177 benepisyaryo mula sa San Jose City ang limang libong piso na kanilang magagamit sa pang-araw araw na pangangailangan.
Sa talumpati ng Senador, ay kanyang pinasalamatan ang mga dumalo at naglaan ng oras upang matiyak na magiging maayos ang programa.
Ayon kay Senator Tolentino, nangangako silang dadagdagan pa ang mga benepisyaryo ng naturang programa.
Samantala, binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng paghahanda sa mga sakuna o kalamidad, dahil katumbas aniya ng ‘paghahanda’ ang ‘kaligtasan’.
Panawagan ng Senador sa mga residente na palaging maging handa at alerto, gayundin sa mga inter-agency units na makipagtulungan sa pagpaplano, pati na rin sa pagbabahagi ng mga impormasyon upang maiwasan ang mga pagkasira, pagkamatay at panganib.

