BENTA NG MANOK SA SANGITAN CABANATUAN, MATUMAL DAHIL MATAAS ANG PRESYO
Dumadaing ang mga tindera ng sariwang karne ng manok dahil sa umano’y mataas na presyo nito sa Barangay San Isidro, Sangitan Public Market, Cabanatuan City.
Isa lamang si Aling Lisa Rivera sa mga tindera na nagrereklamo na sobrang tumal o kakaunti lamang ang mga bumibili ng manok sanhi ng mataas nitong halaga na ibinabagsak ng mga biyahero tuwing madaling araw sa Sangitan.
Ayon kay Aling Lisa, halos dalawang linggo nang hindi gumagalaw ang presyo ng manok. Sa ngayon aniya ang presyuhan sa kada kilo ng manok ay nasa P210.00; P220.00 sa choice cut; at P200 naman sa buo o whole chicken.
Kaya ang mga mamimili gaya ni Aling Maricel, isang nanay na namamalengke sa San Isidro, Sangitan Public Market ay nahihirapan sa pagbabadyet. Kung dati ay laman ng manok ang kaniyang binibili, ngayon para makatipid ay paa na ng manok ang kanyang ipinapalit na pwedeng adobo o sinampalukan para pang-ulam.
Kaugnay naman sa tumataas na presyo ng manok at itlog sa mga pamilihan, sinabi ni Chairman Gregorio San Diego Jr., ng Emeritus UBRA sa kaniyang interview sa GMA Balitanghali, na maraming bagay aniya ang dahilan kung bakit nagmamahal ang presyo ng itlog at manok sa ilang pamilihan.
Una ay ang kalidad ng sisiw na kanilang nabibili ay hindi pare-pareho at sa panahon aniyang ito ay mahirap ang mag alaga ng manok at ang end resource ay nade-delay ng pagbenta ng manok.
Halimbawa, aniya, dati-rati ay 30-40 days ay maibebenta na nila ang manok, pero ang nangyayari aniya ay nagdadagdag ng isang linggo sa pag-aalaga dahil mahirap aniyang magpalaki, kaya ngayon aniya ang presyuhan nila ay parang record high na kapag P150 ang live na broiler.
Pero, aniya para sa kaalaman ng mga taga-subaybay na nung mga nakakaraan ay bumaba ito ng hanggang P170.00 ang kilo kaya di-umano ay sinasabi nya na ang gulo na ng kanilang industriya at ang nakakalungkot raw dito ay hindi ito gaanong nararamdaman ng mga mamimili dahil halos hindi aniya nagbabago ang presyo ng itlog, sa retail.
Sa San Isidro, Sangitan Public Market ay makakabili ng halaga ng itlog simula P6.50 hanggang

