Dinagsa ng mga manimili ang ‘Kadiwa ng Pangulo’ store sa Ligao, Albay dahil sa ibinebentang bigas na nagkakahalaga ng P20.00 kada kilo.
Ayon sa opisyal ng National Irrigation Administration (NIA), ang bente pesos na bigas ay sinimulang ibenta noong inilunsad ang Kadiwa outlets sa Albay-Catanduanes Irrigation Management Office (ACIMO) sa Ligao City.
Prayoridad na makakuha ng P20.00 na bigas ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, elderlies, at persons with special needs.
Habang ang mga regular na mamimili naman ay nakabili ng P35.00 kada kilo.
Maliban sa mga bigas, mayroon ding ibinebentang abot kayang presyo ng iba’t ibang gulay, prutas at ilang delicacies and Kadiwa ng Pangulo store sa Albay.
Paliwanag ng NIA, layunin ng programa na makatulong sa mga mahihirap na makabili ng mababang presyo ng bigas, at matulungan din ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang ani.

