BIG TIME ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO, IPINATUTUPAD NGAYONG HOLY WEEK
Ipinatutupad ngayong holy week ang big time price roll back sa gasolina, diesel at kerosene na sinimulaan noong Martes, April 15, 2025.
Bumaba ang presyo ng gasolina hanggang P3.60 kada litro;
P2.90 naman sa diesel; at
P3.30 sa kerosene.
Sa Cabanatuan City, sa Shell gas station, ang presyo ng Fuel Save Diesel ay P55.50 ang kada litro; P63.40 sa V-Power Diesel; P57.50 sa Fuel Save Gasoline; P61.70 sa V-Power Gasoline; at P67.55 sa V-Power Racing.
Habang, sa ARN gas station ay nasa P49.90 lamang ang presyo sa kada litro ng Diesel; P52.40 sa Supreme Premium; at P51.60 sa Ecotech Premium.
Samantala, sa Caltex gas station, ang presyo sa kada litro ng Diesel ay P56.49 ; P60.09 naman sa Silver; at P63.09 sa Platinum.
Ang estimates ay base sa naging galaw ng presyo ng petrolyo ayon sa pandaigdigang produksyon at konsumo ng mga ito gayundin sa pangamba ng recession dulot ng tensyon sa trade o kalakalan sa pagitan ng US at China.

