BIIK NA ‘TILA HUGIS NG TAO ANG MUKHA, VIRAL SA SOCIAL MEDIA

Ipa-DNA test, ito ang komento ng ilang netizen sa viral na larawan at video ng isang biik sa Tanjay City, Negros Oriental na ‘tila hugis tao ang mukha.

Base sa mga ulat, walong biik ang isinilang ng inahing baboy na alaga ni Alfredo Cardinas Jr. noong January 21, at bukod tanging ang biik na ito ang may kakaibang itsura at may tunog din daw na parang tao.

Makikita sa mga larawan na hindi kumpleto ang mga bahagi ng mukha ng biik ngunit buhay ito nang ipanganak ngunit makalipas lamang ang apat na oras ay namatay ito na kanila namang inilibing.

Dati na rin daw nagsilang ang kanilang alagang inahing baboy ng may kakaibang itsura dahil nanganak din ito noon ng biik na may tila pakpak.

Ang pagkakaroon ng mga pambihirang itsura ng biik ay nagdadala daw ng suwerte sa kanilang kabuhayan.

Posibleng premature ang biik na parang tao ayon sa isang beterinaryo o kaya naman ay nagkaroon ng abnormality sa pagbubuntis ng inahing baboy.

Hindi rin daw maaaring makabuntis ng inahing baboy ang anumang uri ng hayop bilang kasagutan sa mga haka-haka ng nakakita sa naturang biik.

Pumalo na sa 1.5 million views ang video na inupload ni AJ Bantaya Cardinas sa kanyang Facebook account.