unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

Binatang mas piniling maging magsasaka kesa engineer, matagumpay na ngayon

Posted by philpiccio | Aug 4, 2022 | 0

Binatang mas piniling maging magsasaka kesa engineer, matagumpay na ngayon

Maging isang inhinyero ang pangarap ng lolo ng 21 anyos na si Harold Zapata ng San Fernando, Pampanga para sa kanya ngunit mas sinunod nito ang nilalaman ng kanyang puso na maging magsasaka.

Dahil sa angking talino at determinasyon ay naging matagumpay sa kanyang piniling karera si Harold na sa halagang isang libong piso ay pinatunayan nitong ang magsasaka ay hindi magsasaka lang.

Isang magsasaka ang lolo ni Harold na siyang nag-alaga sa kanya hanggang sa paglaki kaya naman nagkaroon ito ng interes at pagkahilig sa pagtatanim.

Nang pumanaw ang kanyang lolo na lagi daw nagsasabi sa kanya na dapat siyang mag-inhinyero sa halip na maging magsasaka, ay sinimulan nito ang pagtatanim dahil para sa kanya walang mabubuhay na tao kung wala ang mga magsasaka kaya naniniwala siyang ito ang dapat na unang binibigyan ng suporta.

Nagsimula sa sampong pirasong grape box na hiningi lamang niya sa kanyang mga kakilala sa palengke ay sinubukan ni Harold ang hydroponics farming na isang bagong pamamaraan ng pagtatanim na ginagamitan ng tubig.

Pagbabahagi ni Harold na mura lamang ang nagastos nito sa modern farming dahil kinailangan lamang nito ng styrocups, coco seeds at nutrients.

Nagsimula sa maliit na greenhouse na naglalaman ng 80 heads na lettuce, ngayon ay nasa 50 square meter na ito na kayang taniman ng hanggang 500 na mga pananim.

Maaari aniyang pagkakitaan sa iba’t ibang paraan ang hydroponics farming, nariyan ang consultation, construction ng greenhouse, at pagbebenta ng seedlings, kung saan kumikita siya ng Php15, 000.

Napabibilis aniya ang pag-aani sa hydroponics farming na inaabot lamang ng 40-45 araw, kaya nakikita niya itong solusyon sa suliraning kinahaharap ng mga magsasaka kung saan ginagawang subdibisyon o commercial establishments ang mga sakahan.

Payo ni Harold sa mga kagaya niyang kabataan na nagnanais din magsimula ng negosyo na kinakailangang pag-aralan ng mabuti ang papasuking hanapbuhay, mas mabagal ang proseso ngunit mas mapabibilis ang tagumpay, kung mamadaliin ang proseso ay maaaring maging mabagal ang resulta.

Share:

PreviousMga pamilyang nakatakdang tanggalin sa listahan ng 4Ps, pinagtataguan ang DSWD
NextSAJELCO, nakikiusap sa mga nagngingitngit na mga konsumedores

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Mga empleyado ng gobyerno, nais bigyan ng rice allowance ni Pres Marcos Jr.

Mga empleyado ng gobyerno, nais bigyan ng rice allowance ni Pres Marcos Jr.

September 17, 2022

Teen suicide, laganap sa buong mundo

Teen suicide, laganap sa buong mundo

January 29, 2015

LIBRENG TAHO, HANDOG NG TAHO VENDOR SA KANYANG KAARAWAN

LIBRENG TAHO, HANDOG NG TAHO VENDOR SA KANYANG KAARAWAN

October 19, 2025

INSTAGRAMABLE NA COFFEE SHOP NA NAG-OOFFER NG BUDGET-FRIENDLY MEALS, KAWIWILIHAN MONG TAMBAYAN SA BAYAN NG GUIMBA

INSTAGRAMABLE NA COFFEE SHOP NA NAG-OOFFER NG BUDGET-FRIENDLY MEALS, KAWIWILIHAN MONG TAMBAYAN SA BAYAN NG GUIMBA

November 27, 2023

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .