Bondi Gunmen Bumisita Muna sa Pilipinas Bago ang Beach Shooting
Kumpirmado ng Bureau of Immigration (BI) na ang Bondi gunmen ay bumisita sa Pilipinas, kabilang ang Davao City bago ang Bondi Beach shooting sa Australia.
Ito’y ilang linggo umano bago naganap ang insidente na yumanig sa buong mundo.
Bunsod nito naglunsad ng masusing pagsusuri ang mga awtoridad sa galaw ng mga dayuhang suspek at muling nagbukas ng diskusyon ukol sa border security at counter-terrorism cooperation sa rehiyon.
Pagpasok sa Pilipinas ng Gunmen sa Bondi Beach, Lehitimo
Ayon sa Bureau of Immigration, pumasok ang Bondi gunmen sa Pilipinas noong Nobyembre ang dalawang suspek at dumaan sa regular immigration inspection.
“Base sa aming records, malinaw na pumasok sa bansa ang dalawang indibidwal at nagtungo sa Davao. Wala silang anumang rekord na magbibigay ng agarang dahilan upang sila ay pigilan,” pahayag ng Bureau of Immigration.
Samantala, nilinaw ng BI na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa mga foreign counterparts, partikular sa Australia, upang masuri ang buong travel history ng mga suspek.
Pagbisita sa Pilipinas ng Gunmen, Bineberipika Kung Paghahanda sa Bondi Shooting

Gayunpaman, iginiit ng Philippine National Police (PNP) na patuloy ang beripikasyon kung may kaugnayan ang pananatili ng mga suspek sa Pilipinas sa paghahanda ng pag-atake.
“Tinitingnan namin kung may mga indibidwal o grupong kanilang nakontak habang sila ay nasa bansa. Sa ngayon, wala pa kaming indikasyon ng agarang banta sa lokal na seguridad,” ayon sa isang opisyal ng PNP.
Dagdag pa ng PNP, mahigpit ang koordinasyon ng Pilipinas sa international law enforcement agencies bilang bahagi ng global counter-terrorism efforts.
Davao, Ligtas Kahit Binista ng Gunmen
Kasunod nito, binigyang-diin ng mga awtoridad na ang pagbanggit sa Davao City ay hindi nangangahulugang may aktibong banta sa lungsod. Ayon sa PNP, nananatiling ligtas ang lugar at walang natukoy na operasyon ng extremist groups na konektado sa insidente.
“Mahalagang malinaw sa publiko na ang Davao City ay nananatiling ligtas. Wala kaming natatanggap na impormasyon na may panganib sa komunidad,” ayon pa sa PNP.
Pilipinas, Maghihigpit sa Dayuhang Bisita
Bilang tugon, sinabi ng BI at PNP na paiigtingin ang intelligence sharing, monitoring, at profiling ng mga dayuhang pumapasok sa bansa, lalo na yaong may travel history na posibleng may kaugnayan sa mga high-risk incidents sa ibang bansa.

