Isang boutique sa Cabanatuan City ang patuloy na umaani ng atensyon online dahil sa pagbebenta nito ng iba’t ibang branded watches at fashion items, na mula pa US at Japan, Bangkok at Vietnam dress, Dubai perfume at mga bags na mula rin sa US.
Ang Mona’s OOTD Selections ay aktibong nagpo-post sa social media ng kanilang mga produkto tulad ng original watch sets, crossbody bags, at mga damit para sa iba’t ibang okasyon.
Bukod sa physical store, nag-aalok din sila ng nationwide shipping at tumatanggap ng card payments para mas maging accessible sa mga mamimili.
BOUTIQUE SA CABANATUAN, PATOK SA MGA BRANDED WATCHES AT OOTD ITEMS
Nagre-range mula P2,000 pataas ang kanilang mga original watches; P1,600 pataas naman sa mga original perfume.
At para naman sa mga nais rin na magkaroon ng sariling business, pinapayuhan ng MONA’s OOTD na huwag aniyang titigil na mag-isip ng mga ways para mai-sell ang mga product, ipakilala kung gaano kaganda ang mga produktong ibinibenta at higit sa lahat aniya ay hindi dapat mawala ang praying at workhard. Iniimbitahan rin ng MONA’s OOTD ang mga netizen na bumisita sa kanilang physical store.
Matatagpuan ang MONA’s OOTD Selections sa AJRC Building, Del Pilar St., Barangay Sangitan West, Cabanatuan City (tapat ng NETA Tennis Court)

