Nagdulot ng kaginhawaan sa mga residente ng Brgy. Cojuangco sa bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija, ang programang pamamahagi ng ayudang bigas ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno nina Governor Aurelio Matias Umali at Vice Governor Doc. Anthony Umali.

Malaking tulong umano ang libreng bigas dahil kinakapos sila sa pinansiyal para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Kaya malaking awas ito sa kanilang budget sa pagkain.

Kwento ng mga residente, kilo-kilo lang sila kung bumili ng bigas dahil napakamahal ng presyo.

Kaya pasasalamat ang ipinaaabot ng mga mamamayan ng barangay Cojuangco, Sta. Rosa, kina Gov. Oyie at Vice Gov. Doc. Anthony Umali sa programang handog ng kapitolyo sa mga katulad nilang nangangailangan ng tulong.