Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na umabot na sa 114,628 ang bilang ng mga rehistradong botante sa Region 3 o Central Luzon para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Comelec nitong December 14, 2025.
Kabilang ang Gitnang Luzon sa mga rehiyong may pinakamaraming rehistradong botante, na pinangunahan ng Calabarzon sa bilang na 203,438 at National Capital Region na nakapagtala ng 114,820 na rehistradong botante.
Sa buong bansa, 223,282 ang mga bagong rehistradong botanteng kabataan na may edad 15 hanggang 17, at 739,333 naman ang mga botanteng 18 taong gulang pataas.
Patuloy ang voter registration araw-araw mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa mga tanggapan ng Comelec at satellite registration sites hanggang May 18, 2026.
Nakatakdang ganapin ang BSKE 2026 sa November 2, 2026.

