BULACAN AIRPORT TERMINAL, TARGET SIMULAN SA ENERO 2026

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na nakatakda nang simulan sa January 2026 ang pagtatayo ng passenger terminal building ng New Manila International Airport (NMIA) sa Bulakan, Bulacan.

Pahayag ni Engineer Abelardo Sore Jr., project manager ng DOTr para sa NMIA, dinisenyo ng San Miguel AeroCity Inc. (SMAI) ang itatayo na terminal building sa 2,500 hectares na lugar.

Sa kasalukuyan, nasa 80% na umano ang natatapos sa land development, partikular na sa land piling sa bahagi ng Manila Bay.

Ang NMIA ay inaasahang magiging pinakamalaking paliparan sa bansa, dahil magkakaroon ito ng apat na parallel runways, limang terminal wing, 240 boarding gates, at may kapasidad na tumanggap ng 35 hanggang 100 milyong pasahero kada taon.

Layunin nitong bawasan ang siksikan sa Ninoy Aquino International Airport at maging pangunahing air transport hub sa Southeast Asia.

Ayon kay Engineer Norberto Conti ng SMAI, kinakailangan pa ng karagdagang 33 million cubic meters ng buhangin upang matapos ang reclamation works.

Kung masusundan ang timeline, inaaasahang sisimulan na pagsapit ng 2026 ang proyekto, at kung walang aberya, magiging fully operational na ito sa 2028.