CALLING SA PANGINOON NI HEZEKIAH, NAGAGAMIT NA BILANG PANG IMPLUWENSYA SA KAPWA KABATAAN

Ibinahagi ni Hezekiah Mesina, isang content creator at kristiyano kung paano nakatulong ang kanyang calling sa pag likha ng musika sa pagpapalaganap ng awitin para sa Panginoon sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman na ginanap sa Farm Ridge by Desmond Farm.

Sa panayam ni Dra Kit at Guest co-host na si Joy Senados sinabi ni Hezekiah na sumunod lamang siya sa agos na naging dahilan upang magsimula siyang gumawa ng content sa online entertainment site na Tiktok.

Dahil sa tinugunan na calling ay nagagamit na niya ang kanyang tiktok hindi lamang para turuan ang mga nagnanais matuto mag guitara ng ibat- ibang nauusong kanta, kundi maturuan din sila kung paano tugtugin sa kanilang guitara ang papuri sa Panginoon.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 175.8k followers si Hezekiah sa Tiktok at may 4.4 Million likes sa nasabing platform.

Mayroon ding mga original songs si Hezekiah na maririnig sa tiktok at spotify.