CARDINAL TAGLE, KINAALIWAN NG NETIZENS
Hindi mapigilan ng mga netizens na matuwa at humanga kay Cardinal Luis Antonio Tagle nitong mga nakaraang lingo dahil sa kanyang kakwelahan at mga opinyon sa mga isyu ng lipunan.
Unang naging matunog ang pangalan ni Cardinal Tagle bago pa man magsimula ang Conclave sa Vatican para sa pagpili ng bagong Santo Papa. Isa siya sa mga naging manok ng hindi lamang mga Pilipino, kundi mga taga-ibang bansa dahil sa kanyang progresibong pag-iisip tulad ng pag tanggap niya sa LGBTQ Community at sa mga single mothers.
Viral din sa social media ang interaksyon nila ni Pope Francis noong bumisita sa Pilipinas ang yumaong Santo Papa kung saan makikita si Cardinal Tagle na kumakaway habang tumatawa kay Pope Francis sa gitna ng misa.
Kinatuwaan din ang pagbabaon at pagbibigay ng candy ni Cardinal Tagle sa seat mate nyang si Pope Leo sa Sistine Chapel para hindi magutom sa haba ng proseso ng Conclave. Kumalat din ang larawan ng Kardinal na nakasuot ng backpack na may bote ng tubig sa likod.
Kumento naman ng mga netizens, ang gawain daw na ito ay matatagpuan lamang sa mga Pilipino. — Ulat ni Emie Rose Balmeo, Student Intern

