CASA BATIK: PARAISO NG BOUGAINVILLEA SA GAPAN CITY, NUEVA ECIJA

Kung hanap mo ay isang tahimik na tambayan sa gitna ng kalikasan, maaaring ang Casa Batik ang kasagutan. Matatagpuan sa Gapan-Cabiao Bypass Road sa Gapan City, Nueva Ecija ang isang hardin, nursery, at café na kilala sa mahigit tatlong-daang klase ng bihirang bougainvillea—mula sa pangkaraniwang kulay na puti at lila hanggang sa dilaw, peach, orange, at mga may batik o mala-gintong dahon gaya ng Variegated Briza Red.

Ang tinaguriang ‘House of Rare Bougainvillea’ ay mas lalong namumukod-tangi ngayong Flores de Mayo—isang buwang hitik sa makukulay na bulaklak at pananampalataya. Sa Casa Batik, bawat hakbang ay tila pagdiriwang ng ganda at debosyon ngayong buwan ng Mayo.

Bukas ang Casa Batik araw-araw mula 8:00 AM hanggang 7:00 PM, para sa mga gustong magpahinga, mamasyal, magpiknik, o mag-picture taking kasama ang pamilya at fur babies.

Abot-kaya ang entrance fee: 100PHP para sa adults, 80PHP sa senior citizens at PWDs, 50PHP sa estudyante, at libre para sa mga batang mas mababa ang tangkad sa 3.5 feet. May photoshoot packages din: ang simpleng shoot ay may shoot fee na 500PHP bukod sa entrance fee ng bawat miyembro, habang ang villa rental na may aircon at preparation area ay 3,500PHP sa half-day at 6,000PHP sa buong araw, good for 4 pax.

Sa mga nais mag-staycation, available sa Airbnb ang kanilang Villa A para sa 4 katao at Villa B para sa 10 katao. Walang corkage fee sa pagkain at inumin, basta’t wag magdala ng portable na lutuan at alak. Bukas ang café mula 12:00 PM–7:00 PM sa weekdays at 9:00 AM–7:00 PM tuwing weekends.

Para sa isang makulay at preskong bakasyon na puno ng bulaklak, aliwalas, ganda at ginhawa, Casa Batik ang bagong tambayan na dapat mong puntahan sa Gapan.