Cash Bouquet Bilang Regalo, Labag sa Batas ng Kenya
Sa paglapit ng Valentine’s Day, naghahanap ang maraming magkasintahan ng espesyal na regalo. Ngunit, may babala ang Central Bank of Kenya laban sa uso ng cash bouquet bilang romantic gift.
Ayon sa bangko, ang cash bouquet ay maaaring makasira ng banknotes kapag ginamitan ng glue, stapler, o pins. Dahil dito, nagiging hindi na pwedeng gamitin ang pera sa sirkulasyon at agad itong pinapalitan.
Nilinaw ng bangko na hindi bawal magregalo ng pera kung hindi ito sinisira o binabago.
Samantala, malinaw sa batas ng Kenya na bawal ang sinadyang pagputol o pagdungis ng pera.
Cash Bouquet, Maaring Magdulot ng Pagkakakulong
Ang sinumang lalabag ay maaaring makulong ng hanggang tatlong buwan. Mayroon ding multang hanggang 2,000 Kenyan shillings ayon sa Penal Code ng bansa.
Tunay na Bulaklak pa rin ang Ligtas na Regalo
Kaya imbes na cash bouquet, mas ligtas at legal pa rin ang pagbibigay ng tunay na bulaklak. Bukod sa walang kaso, mas ramdam pa rin ang tunay na kilig kapag nakakatanggap nito.

