CCAP: REKLAMO SA CREDIT CARDS, TUMAAS NG 45 PERCENT NGAYONG 2ND QUARTER
Tumaas ang bilang ng mga reklamo laban sa credit card companies sa bansa ayon sa Credit Card Association of the Philippines.
Sinabi ng CCAP na sa ikalawang quarter lamang ng taon ay mayroong pagtaas ng 45 percent o katumbas na 4,161 ang bilang ng credit card related complaints ang kanilang natatanggap.
Kung ikukumpara noong nakaraang taon ay mayroong 37.2 percent ang pagtaas sa second quarter ng 2023 habang ngayon ay mayroong 55.5 percent ang paglobo nito.
Pangunahing reklamo ay ang account management, sinundan ng reklamo sa interest rate, fees, at charges gayundin ang mga paglabas ng mga hindi otorisadong online transactions.
Ang mga reklamo sa account management ay ang mga customer na nakaranas ng hirap sa pag-access ng accounts, card applications, card activation at cancellation processes, non-delivery o delay sa delivery.
Sakop din ng account management concerns ang paglalabas ng rebates, promotions, at rewards, at mga hamon sa pag-update ng account o client information, at unposted transactions o payments.
Tiniyak naman ng CCAP na patuloy na makikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa mga miyembro upang masiguro na mas maayos ang experience ng kanilang mga customer sa pamamagitan ng refining processes tulad ng credit card applications, card activation, billing management, at ng paglalabas ng rewards at rebates.
Samantala, noong Agosto ay pumirma ang CCAP ng kontrata sa Bangko Sentral ng Pilipinas para sa paglulunsad ng innovative financial education programs, kung saan magtutulungan ang dalawang partido para makabuo ng isang credit card e-learning course.

