Matapos ang mahabang pagkahinto ng konstruksyon ng Central Luzon Link Expressway (CLLEx), inaasahang ipagpapatuloy na muli ang pagawaing proyekto ito sa ikalawang quarter ng taong ito
Kasunod ito nang pagdulog umano ng DPWH- Unified Project Management Office sa Regional Development Council upang makatulong na malutas ang problema sa payment for right of way ng landowners na nasakop ng CLLEX sa Nueva Ecija.
Matatandaan na binarikadahan ng mga may-ari ng lupa ang ilang bahagi ng kalsada sa bayan ng Aliaga, noong November 2022 hanggang February 2024 dahil hindi pa sila fully paid sa right of way.
Paliwanag ni Rivera, humihingi ng maraming papeles at requirements ang COA na hindi nila kayang ibigay kumpara aniya sa naunang napag-usapan nila ng DPWH na titulo lamang ng mga lupa nila ang kailangan.
Noong March 19, 2024 nagkaroon ng pagpupulong ang mga landowners sa RDC sa pangunguna ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., chairman ng Sectoral Committee on Infrastructure Development at Regional Peace and Order Council, kasama ang DPWH-UPMO at NEDA, pati na rin si Mayor Cristino Joson ng Quezon, Nueva Ecija, upang solusyunan ang nasabing problema.
Pagkaraan nang pagpupulong ay binuksan na ang San Juan exit sa Aliaga.
Sa kasalukuyan ay inaasikaso na ng mga may-ari ng lupa ang mga kaukulang dokumento upang mabayaran na umano sila ng DPWH.
Samantala, sa panayam ng Balitang Unang Sigaw ay sinabi ng DPWH-UPMO na ginagawa ng contractor na Qingdao company ang bahagi ng CLLEX sa Poblacion Aliaga kahit tinerminate na umano nito ang kanilang kontrata.

