CIVIL MILITARY OPERATIONS CONSULTATIVE WORKSHOP, ISINAGAWA PARA SA PAGPAPALAKAS NG INFORMATION DISSEMINATION
Isinagawa kamakailan ang Civil Military Operations Consultative Workshop sa Headquarters Aviation (Hiraya) Regiment, Philippine Army, Fort Magsaysay, Nueva Ecija bilang bahagi ng pagpapalakas sa information dissemination upang masuportahan ang capability at development efforts ng Regiment.
Ang workshop ay dinaluhan ng dalawampu’t pitong mga Civil Military Operations practitioners at social media administrators ng subordinate units at OG7 personnel.
Tinalakay sa naturang workshop ang Producing Social Media Cards/Infographic at Graphic Designing and Photo Editing ng guest speakers mula sa Philippine Information Agency Region III, Managing Social Media na itinuro ng lecturer mula sa College of Mass Communication ng West Visayas State University, at Do’s and Don’t’s sa paggawa ng Press Release na itunuro naman ng representante mula sa Nueva Ecija TV48.
Ayon kay Maj. Oliver Tabaosares, maituturing na matagumpay ang kanilang workshop dahil ang lahat ng mga natutunan ng mga partsipante ay malaki ang maitutulong sa kanilang layuning maipalaganap ang mga impormasyon patungkol sa kanilang yunit.
Nagpasalamat din ito sa lahat ng mga naging bahagi ng workshop upang maisakatuparan ito ng maayos at maging makabuluhan ang aktibidad na ito.
Sa mensahe naman ni Officer-in-charge Col. Norberto Aromin Jr, ay sinabi nito ang kahalagahan ng social media at responsibilidad ng bawat isa sa pagpopost ng mga impormasyon sa social media.
Paalala naman sa ipinadalang talumpati ni TV48 Executive Producer Philip “DobolP’ Piccio na binasa ni TV48 Administration Officer Cecille Mesina, na sa paggawa ng press release ay dapat na simple, maiksi subalit malaman at puno ng mahahalagang impormasyon.

