Kumpirmadong bukas na nga ang parte ng CLLEX sa Brgy. ng San Juan hanggang sa Brgy. Sto. Rosario sa bayan ng Aliaga, Nueva Ecija.

Kaya mapapabilis na ang transportasyon ng mga motorista galling Cabanatuan City and Talavera patungo sa mga kalapit bayan tulad ng Quezon, Guimba, Licab, Sto. Domingo, at San Jose City.

Pero may mga parte pa rin na hindi pa sementando ngunit kahit na ganun ay nadadaanan na ito ng mga light vehicles, tulad ng motor, kotse o SUV.

Makikita niyo sa aking likuran na dagsa na ang mga motorista dito sa gawing bahagi CLLEX.

May mga nakapanayan din kaming motorista na natuwa sa bagong bukas na kalsada.

Amin ding tinignan ang lagay ng daan mula San Juan, Aliaga patungong Umangan sa Caalibangbangan, Cabanatuan City. At sa ngayon ay hindi pa rin ito gawa. Although may temporary road para sa mga residente nito, ay hindi parin ito bukas para sa publiko.

Ang CLLEX o Central Luzon Link Expressway ay sinimulan noong taong 2015 at ipinangakong matatapos noong 2018 ngunit dahil sa mga problemang kinaharap nito gaya ng pandemya ay na-delay ang proyekto.

Matatandaan na ayon sa DPWH-UPMO, isa sa pangunahing problemang kanilang inaayos ay ang compensation of the right of way ng private owners na hindi pa nababayaran.

Kaya patuloy ang ginagawang pagkalampag ni Nueva Ecija Governor Umali para matapos na itong phase 1 ng CLLEX dito sa lalawigan at ngayon nga ay napapakinabangan na nga itong sa San Juan to Sto. Rosario entrance and exit sa bayan ng Aliaga.