CLRAA 2025 UPDATE: MGA NOVO ECIJANONG ATLETA, PATULOY ANG PAGRATSADA
Umariba ang mga manlalarong Novo Ecijano sa Central Luzon Regional Athletics Association Meet 2025 na ginaganap sa Tarlac.
Batay sa opisyal na medal tally as of April 27 (8PM) na inilabas ng Deped Regional Office III kaugnay sa palarong panrehiyon, tumabo na ng kabuuang 68 na medalya ang pinagsamang lakas ng mga manlalaro mula sa buong lalawigan para sa mga sekondarya. Nakakamit ang SDO ng Nueva Ecija ng 7 Golds, 16 Silvers, at 22 Bronze. Nakasungkit naman ang San Jose City ng 3 Golds, 2 Silvers, at 2 Bronzes. Samantala, ang Cabanatuan City naman ay nakakuha ng 4 Golds, 6 Silvers, at isang Bronze medal. Sa Science City of Muñoz naman, mayroon na silang 3 Silver at isang Bronze. Habang ang Gapan City naman ay may isang bronze medal na.
Samantala, sa elementarya naman, rumatsada rin ang buong lalawigan matapos makaipon ng 55 medalya. Umariba ang SDO San Jose City na may 10 golds, 5 silvers, at 3 bronzes, kasunod ang SDO Nueva Ecija na may 9 golds, 5 silvers, at 6 bronzes. Hindi rin nagpahuli ang Cabanatuan City na nakakamit ng 2 golds, 5 silvers, at 8 bronzes, habang nakasungkit naman ng tig-isang ginto at pilak ang Science City of Muñoz.
Dahil dito, ilang manlalarong Novo Ecijano na ang mga kwalipikado na para sa Palarong Pambansa. Kabilang na rito sina Ralph Oliver A. Duran para sa Blitz Chess, John Emil Brusas para sa Arnis Bantam Weight, Xhanneia DC. Honrejas para sa Triple Jump Elementary Girls Category, Janryl L. Tacbianan para sa Elementary Boys Long Jump, at marami pang iba.
Samantala, dinomina naman ng SDO Bulacan ang elementarya at sekondarya matapos mag-uwi ng kabuuang 187 medalya — 63 golds, 57 silvers at 67 bronzes.

