CLSU GREEN COBRAS, BACK-TO-BACK CHAMPION SA NECSL SEASON 9 MEN’S AND WOMEN’S VOLLEYBALL
Back-to-back champion ang Central Luzon State University Green Cobras sa Men’s at Women’s Volleyball sa katatapos na Nueva Ecija Collegiate Sports League Season 9.
Naiuwi ng CLSU Green Cobras ang dalawang titulo kung saan nakatunggali nila sa finals ang Nueva Ecija University of Science and Technology Phoenix.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nasungkit ng CLSU ang kampeonato sa Women’s Volleyball habang limang beses naman na dinedepensahan ang posisyon sa Men’s Volleyball.
Hindi naging madali sa women’s volleyball ng CLSU na manalo sa NEUST dahil sa unang dalawang set sa Game 3 ng Women’s Volleyball ay nakauna na agad ang kanilang kalaban, 25-21 sa unang set; 25-22 sa ikalawang set.
Sa ikatlong set ay nagpatuloy ang opensa ng Phoenix ngunit hindi nagpadaig ang depensa ng Green Cobras dahil sa ginawang strategy ng kanilang coach na si Mcgyver Afan na pagpapalit ng setter na nagpalakas ng kanilang opensa.
Nakadagdag pa sa puntos ng Green Cobras ang block party nila Janiel Lagasca at Janelle Tolentino. Sa bandang huli ng set ay tuluyan nang ipinakita ng CLSU Green Cobras ang kanilang bagsik at tinapos ang ikatlong set sa score na 25-20 hanggang bumawi rin ang koponan sa 4th set n laban, 25-19.
Sa huling set, hindi na pinahabol pa ng CLSU ang kanilang kalaban hanggang sa natapos ang game score na 15-9.
Itinanghal na MVP si Kristine Buenaventura na nagtamo ng minor injury ngunit patuloy na lumaban para sa CLSU Green Cobra.
Nagpasalamat naman si Afan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamumuno ni Gov. Aurelio “Oyie” Matias Umali at Vice Gov. Doc Anthony Umali sa patuloy na pagsuporta sa larangan ng sports.
Samantala sa Men’s Volleyball ay naiuwi rin ng CLSU Green Cobras ang kampeonato kontra pa rin sa NEUST Phoenix.
Hindi hinayaan ng CLSU Green Cobras na maagaw sakanila ang pagiging kampeon at tinapos ang best-of-three series sa score na 2-0 noong November 3 sa NEUST General Tinio St. Campus.

