CONGRATULATIONS! NUEVA ECIJA, MULING NASUNGKIT ANG SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE

Muling ipinakita ng Provincial Government of Nueva Ecija sa pamumuno nina Governor Aurelio “OYIE” Umali at Vice Governor Doc Anthony Umali ang husay at tapat na paglilingkod at pamamahala sa lalawigan.

Ayon sa Department of Interior and Local Government o DILG, kasama ang Nueva Ecija sa 41 na probinsiya sa buong bansa na kanilang paparangalan para sa 2024 SGLG.

Ito na ang ikalimang taong pagkakataon na nakamit ng lalawigan ang nasabing parangal.

Bukod sa Nueva Ecija, pasok din bilang SGLG awardees ang 4 na lungsod at 19 na bayan sa lalawigan.

Ang SGLG ay programa ng DILG na naglalayong paigtingin ang tapat at mahusay na pagganap ng mga tungkulin ng mga lokal na pamahalaan.

Ito ay sumusukat sa kakayahan ng Local Government Unit sa pamamahala ng pananalapi, pagbibigay serbisyo nito sa mga mamamayan at nagtataguyod upang maging accountable ang mga namumuno sa pampublikong pondo.