COOKIES NA GAWA SA PUTIK, KINAKAIN SA HAITI

Maniniwala ba kayo na may mga tao na kumakain ng putik para lang maibsan ang kanilang matinding gutom?

Ang Haiti ay isang republika sa Carribean na matatagpuan sa isla ng Hispaniola kung saan matatagpuan din ang bansang Dominican Republic.

Ang Port-au-Prince ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Haiti. Ang Haiti ay may lawak na 27,750 sq. km. Mahigit sa sampung beses na mas malaki ang Pilipinas.

Noong January 12, 2010 Ang Haiti ay nakaranas ng lindol na may lakas na 7.0 magnitude at sumentro sa 15 kilometro malapit sa kabisera nitong Port-au-Prince.

Ayon sa International Red Cross, tinatayang 3 milyong tao ang naapektuhan ng pagyanig at humigit-kumulang sa 100,000 ang namatay. Madaming gusali ang nawasak sa pagyanig.

Kabilang dito ang Presidential Palace, National Assembly at maging ang Cathedral ng Port-au-Prince.

Dahil sa matinding kahirapan, tagutom at dahil sa mataas na presyo ng kanilang mga bilihin ay naghihirap ang mga mamamayan. Hindi nila kayang bumili ng pagkain, kaya napipilitan silang kumain ng mud cookies na gawa sa putik para maibsan ang kanilang gutom.

Oo, tama ang narinig mo!kumakain sila ng putik na ginagawa nilang cookies

Paano kaya nila ginagawa ang dirt cookies?

Kumukuha sila ng putik sa bundok na inilalagay nila sa malaking lalagyan, hahaluan nila ng tubig o di kaya konting asukal kung meron, minsan asin at mantikilya para kahit papaano ay may lasa.

Hinahalo nila ito ng parang semento at minamasa saka ihuhulma na para maging cookies at patutuyuin sa ilalim ng araw na magsisislbing kanilang oven at para tumigas na pwede nang kainin.

Kanila rin itong inilalako para maibenta sa tao sa kanilang lugar na karamihan sa mga bumibili nito ay mga matatanda, bata at kahit sanggol ay kumakain nito kapag wala na talagang makain.

Ito ang ginagawa nilang biscuit o tinapay para maging kanilang pagkain. Pero sa palagay niyo ba ay magiging safe ito para kainin? Pero para sa kanila na naniniwala, ito ay safe kainin kahit ito ay galing sa putik.

Sa kanilang kultura nakasanayan ng ilang mga tao sa Haiti, partikular na ang mga buntis na kababaihan na ito ay mayaman sa calcium.

Pero mariin itong pinabulaanan ng mga doctor.

Marami kasing makukuhang sakit dito, gaya ng soil transmitted helmens o mala uod na bacteria mula sa mga dumi ng hayop, maruming tubig at kontaminadong kagamitan sa paggawa ng cookies.

Mapalad parin ang mga Pilipino dahil kahit papaano ay marami pa tayong mapagkukunan ng pagkain basta magsipag lang magtanim at magtrabaho ay siguradong meron tayong makakain.