CPA PASSER, NAKAMIT ANG PANGARAP SA TULONG NG LIBRENG EDUKASYON NG KAPITOLYO

Nakapagtapos ng kolehiyo sa Eduardo L. Joson Memorial college sa tulong ng programang libreng tuition ng pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija si Jambres De La Cruz isa nang ganap Certified Public Accountant (CPA)

Isang inspirasyon ang kanyang kwento dahil sa kabila ng mga hamon sa buhay, hindi naging hadlang ang kakulangan sa pinansyal upang maabot niya ang pangarap na maging isang propesyonal.

Sa panayam kay Jambres, ibinahagi niyang mula pagka bata ay pangarap na niyang maging isang Certified Public Accountant, subalit nangamba siyang hindi makapag aral dahil sa kapos ng financial na hindi kayang matustusan ng kanyang mga magulang.

Dahil sa programa ng Kapitolyo na Iskolar ng Bayan, nabuksan ang pangarap ni Jambres na makapag aral sa ELJMC ang tanging paaralan sa Nueva Ecija na mayroong kursong Bachelor of science in Accountancy na libre ang tution fee.

Maliban dito ay may libreng dormitory at educational allowance rin ang mga scholar ng bayan hanggang makapagtapos ng pag-aaral.

Ang programang ito ay sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Umali upang mabigyan ng pagkakataon na makapagtapos at maabot ang mga pangarap ng mga mag-aaral na mga Novo Ecijano.

Isang patunay ang tagumpay ni Jambres na sa tulong ng oportunidad at determinasyon, walang imposible sa pag-abot ng pangarap.