CRAB FARMING, PINAGKAKAKITAAN NG MGA MAGSASAKA AT PAMATAY INSEKTO PA SA MGA BUKID SA CHINA

Kumikita ng mas malaki sa pamamagitan ng crab farming ang mga magsasaka sa China sa pamamagitan ng pagpaparami ng libo-libong mga alimango sa kanilang kanilang farm.

Kapag medyo malaki na ay kanila itong dinadala sa bukid at kanila itong pakakawalan.

Ang mga crabs ang nagsisilbing tagakain sa mga insekto na namiminsala sa kanilang mga pananim kaya hindi na nila kailangang gumastos ng insecticides.

Ang mga palayan ay perpektong tirahan para sa mga alimango dahil nagsisilbi itong proteksiyon para sa kanila mula sa mga mandaragit, habang kumakain ang mga alimango ng mga damo at mga insekto na maaaring makapinsala sa mga punla ng palay.

Pinaluluwag ng mga alimango ang lupa kapag sila ay gumagalaw, at ang kanilang dumi ay maaaring maging mainam na organikong pataba sa lupa kaya hindi na kailangang bumili ng mahal na pataba para sa kanilang mga tanim na palay.

At pagdating ng anihan ay kasabay na rin nilang hinaharvest ang mga alimango para maibenta sa mga pamilihan. Kaya sa pamamagitan ng kanilang crab farming ay sobrang laki ng kanilang kita.

Para sa ating mga magsasaka dito sa Pilipinas bakit hindi kaya natin subukan ang ganitong klase ng pagsasaka?