BABALA! SENSITIBONG BALITA:
CUSTOMER NA NANGGULO, INIREKLAMO NG MAY-ARI NG RESTAURANT SA BAYAN NG LUPAO
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) ang isang customer na idinulog ng concerned citizen sa Police Outpost na nanggulo umano sa South Grill Restaurant sa Lupao, Nueva Ecija noong 12:30 ng madaling ng November 24, 2024.
Kinilala ang suspek na isang 42 years old na lalaki na residente ng Purok 5, Brgy. Namulandayan, Lupao.
Mabilis na rumesponde ang mga pulis at inaresto ang suspek na nabigong mag-presenta ng mga dokumento para sa nakumpiska sa kanyang one (1) Llama Parabellum 9mm Pistol, dalawang magazine na may tig-walong bala, at isang black sling bag.

