CUSTOMER SA UKAYAN, NASARADUHAN; MGA KAIBIGANG HININGAN NG SAKLOLO, NATAWA NALANG
Sinasabi ng marami na ang tunay daw na kaibigan sa oras ng alanganing sitwasyon ay tatawanan ka muna bago ka tulungan.
Viral sa social media ang video ni Mich Keysia Guevarra na napagsaraduhan sa ukayan sa Isetann Recto, Maynila.
Kwento ni Mich sa kanyang Facebook post, kasalukuyan siyang nagsusukat noon sa fitting room nang mawalan ng ilaw pero inakala niyang brown-out lang.
Naalarma na lamang siya nang marinig niyang isinasara na ang pintuan ng tindahan kaya nagmadali siyang isuot ang kanyang shorts.
Paglabas niya ng fitting room ay madilim na at nakasara na ang kinalalagyan niyang tindahan.
Ilang beses din aniya siyang kumatok sa pagbabakasakaling may makarinig sa kanya sa labas at maswerte namang may isang lalaking staff sa katabing store ang nakakita sa kanya.
Hinintay pa umanong makabalik sa tindahan ang may-ari na may dala ng susi bago siya nakalabas.
Humingi rin ng tulong si Mich sa mga kaibigan na nagpost din sa Facebook kung saan nakatag ang iba pa nilang mga kaibigan, na umani ng libong haha reactions at 16k shares.
Marami din sa mga netizens ang naaliw sa karanasan ni Mich, ilan nga sa mga komento ay “tutulog kaming masakit ang panga”, may nagsabi naman “malungkot ako mih pero napasaya moa ko”, “the best experience” say naman ng isa, at may nagpayo pa sa kanya ng “mih bigyan kita tip, dapat kumakanta ka habang nagsusukat pa”.
Pumalo na sa 6 million views ang video ni Mich, may 77k reactions at mahigit 7k shares.

