DAGDAG NA MGA PULIS, ITINALAGA SA MGA MALL SA CABANATUAN CITY
Nagtalaga ng Tactical Motorcycle Reaction Unit (TMRU) ang Nueva Ecija Police Provincial Office sa Walter Mart Cabanatuan, Barangay Dicarma (Poblacion), at SM City Cabanatuan sa Brgy. Hermogenes C. Concepcion, Sr.
Layunin umano nito na paigtingin ang police visibility, tiyakin ang kaligtasan ng publiko, at makatulong sa maayos na daloy ng trapiko ngayong kapaskuhan.
Personal ding ininspeksyon ni Police Director Ferdinand Germino ang kahandaan ng mga pulis sa operasyon ng checkpoint sa Brgy. Sumacab Este, Cabanatuan City para mapigilan at masugpo ang krimen na posibleng maganap.

