DAGDAG SINGIL SA MGA TOLL, IPINATUPAD NG SCTEX

Nagpatupad ng dagdag singil sa mga toll gate sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) simula noong Nobyembre 19, 2024.

Ayon sa NLEX Corp., na nagpapatakbo ng SCTEX, nabuo ang naturang taas-singil matapos pahintulutan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pagpapatupad ng ikalawang tranche ng inaprubahang toll adjustment para sa SCTEX na dapat bayaran sa 2021 at 2023.

Sa isang pahayag, sinabi ng toll company na ipapatupad ang karagdagang P0.64 kada kilometro (km) para sa Class 1 na sasakyan, P1.29 kada kilometro para sa Class 2, at P1.93 kada kilometro para sa Class 3 ay kokolektahin sa SCTEX.

Ang mga karagdagang rate, ay bahagi ng inaprubahang periodic adjustments ng SCTEX na dapat bayaran sa 2021 at 2023,”.

Ipinagpaliban umano ang pagtaas at hinati sa tatlong tranches na kokolektahin sa loob ng tatlong taon upang makatulong na pigilan ang inflationary strains at mabawasan ang epekto sa mga gumagamit ng expressway.

Pinahintulutan ng TRB ang pagpapatupad ng unang tranche ng mga inaprubahang pagsasaayos ng toll noong Oktubre 17, 2023.

Ipinatupad ng NLEX Corp. ang karagdagang P25 ang mga motoristang gumagamit ng SCTEX na may Class 1 na sasakyan (mga kotse/SUV) na bumibiyahe mula Mabalacat City (Mabiga Interchange) patungong Tarlac.

May karagdagang singil na P75 ang mga gumagamit ng Class 2 na sasakyan gaya ng mga bus at maliliit na commercial truck. Sa parehong ruta ay magbabayad ng karagdagang P50 at ang Class 3 na sasakyan ito ay ang malalaking trak/trailer.

Samantala, ang mga motoristang bumibiyahe sa pagitan ng Mabalacat City at Tipo, Hermosa, Bataan (malapit sa Subic Freeport) ay sisingilin ng karagdagang P41, P81, at P121 para sa Class 1, 2, at 3 na sasakyan, ayon sa pagkakasunod.

Mula 2020 hanggang 2023, ang kumpanya umano ay nagsagawa ng maraming imprastraktura at mga pagpapahusay na proyekto bilang bahagi ng kanilang pangako na mapabuti ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga motorista habang binabagtas ang expressway.

Ayon sa NLEX CORP, ang hakbangin na ito ay kinabibilangan ng pag-install at pag-upgrade ng mga ilaw at signage sa kalsada, pagpapanatili at pagpapaganda ng toll plaza, pagpapalit ng pavement at crack sealing, pag-aayos ng guardrail at bakod, mga pagpapahusay ng RFID system, pag-upgrade ng mga toll system.