DAGDAG SWELDO NG MGA GURO SA BISA NG EO 64 NI PBBM, EPEKTIBO NA NGAYONG SETYEMBRE

Maibibigay na sa mga guro ng pampublikong paaralan, kasama ang iba pang empleyado ng Department of Education ang dagdag sa kanilang sweldo ngayong buwan ng Setyembre.

Ang nasabing umento ay base sa Executive Order 64 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong August 2, 2024.

Sa pag-usisa ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa budget hearing ng DepEd na nakapaglabas na sila ng memorandum para sa salary adjustment.

Inihayag naman ni Education Secretary Sonny Angara sa naging budget hearing na pinahintulutan ng Department of Budget and Management ang mga ahensiya ng pamahalaan na pwedeng gamitin ang kanilang savings para maibigay agad ang taas-sahod at ito ay papalitan na lamang.

Maliban sa salary differential, kasama sa matatanggap ng mga guro ang retroactive increase para sa buwan ng Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Sa kasalukuyan mayroon nang tatlong rehiyon ang nakapagpatupad ng salary differential, lima ang partially released, at ang nalalabi ay nasa proseso na.

Sinimulan na rin ng Cordillera Administrative Region, Region 7 o Central Visayas, Region 10 o Northern Mindanao, at Region 11 o Davao Region ang partial release ng kanilang Notice of Official Salary Adjustment o NOSA.