“DAKILANG GURO INSPIRATIONAL VIDEO CONTEST”, INILUNSAD NG DEPED NUEVA ECIJA

Sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day, inilunsad ng Department of Education (DepEd) Nueva Ecija ang Dakilang Guro Inspirational Video Contest na may temang “Pagpupugay sa mga Guro, Pag-Asa ng Bayan”.

Layunin ng patimpalak na kilalanin ang mahalagang ambag at sakripisyo ng mga guro sa paghubog ng kabataan at kinabukasan ng bayan.

Kabilang sa criteria for judging ang Content/Message, Creativity and Originality, Technical Quality, at Popularity Votes (Likes) na may kabuuang 100%.

Bilang dagdag na pagkilala, magbibigay rin ng Special Awards gaya ng:

*People’s Choice Award – para sa entry na may pinakamataas na bilang ng views sa opisyal na Facebook page ng DepEd Nueva Ecija;

*Most Heartwarming Video – para sa entry na pinakamaraming heart reactions;

*Most Shared Video – para sa bidyo na may pinakamaraming official shares mula sa contest page.

Nagsimula ang online voting noong September 25 at magtatapos sa September 30, 2025, alas-5 ng hapon.
Tanging views, reactions, at shares sa opisyal na post ng DepEd Tayo Nueva Ecija page ang bibilangin

Dagdag pa rito, kinakailangan ding nakalike at nakafollow sa page ang mga botante upang maging valid ang kanilang reactions.

Iaanunsyo ang mga magwawagi, kabilang ang major contest winners, sa darating na October 3, 2025 sa NE Pacific Mall kasabay ng programang Teachers Got Talent.

Base sa page na DepEd Tayo Nueva Ecija, ilan sa mga paaralan na nagpadala na ng kanilang entry at mapapanood na sa opisyal na page ay ang:

  • Talavera National High School (Talavera North District)
  • Palayan City Senior High School (Palayan City District)
  • Bongabon National High School (Bongabon District)
  • General Tinio National High School (General Tinio District)
  • Alua Elementary School (San Isidro District)
  • Sto. Domingo National Trade School (Sto. Domingo District)
  • Pantabangan National High School (Pantabangan District)
  • Talavera National High School – SSLG (Talavera North District)

Tampok sa kanilang mga entry ang iba’t ibang kuwento at senaryo sa loob ng paaralan na sumasalamin sa dedikasyon at malasakit ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral.