Sinalakay ng mga pulis sa Barangay San Rafael, Tarlac City nitong Huwebes angIlegal na pagbebenta ng diesel.

Dalawang lalaki ang naaresto matapos umanong mahuling nagbebenta ng diesel nang walang kinakailangang permit o lisensya.

Isinagawa ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Tarlac.

Tumulong din ang Tarlac City Police Station at Police Intelligence Unit ng Tarlac Police Provincial Office.

Samantala, tinatayang ₱2.397 milyon ang halaga ng mga petroleum products, kagamitan at sasakyang nasamsam.

Kabilang dito ang tinatayang 8,000 litro ng diesel mula sa isang fuel tanker.

May nakuha rin na drum na naglalaman ng humigit-kumulang 200 litro ng diesel.

Bukod dito, nasamsam ang mga fuel pump, hose at iba pang kagamitang umano’y ginagamit sa pagbebenta ng diesel.

Isang tractor head at fuel tanker ang inilagay rin sa kustodiya ng pulisya.

Samantala, isang indibidwal na tinukoy na proprietor o may-ari ng negosyo ang hindi pa naaaresto.

Dinala sa CIDG Tarlac ang mga suspek at nakumpiskang kagamitan para sa dokumentasyon.