BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Arestado ang isa sa dalawang foreigners na sangkot umano sa basag kotse at pagnanakaw sa Balanga, Bataan noong March 22, 2024.
Kinilala ang nadakip na suspek isang 28-year-old na Nigerian national na residente ng San Fernando, Pampanga. Habang nakatakas naman ang kasabwat nitong isa ring Nigerian.
Base sa report ng Police Regional Office 3, alas otso trenta ng gabi nang iparada ng otsentay dos anyos na may-ari ng Metallic Gray Toyota Hilux ang kanyang sasakyan sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Tuyo, Balanga City.
Makaraan ang tatlumpong minuto pagbalik umano niya ay napansin nyang basag ang salamin sa kaliwa ng passenger’s door window ng sasakyan at nawawala na sa loob ang kanyang bag na naglalaman ng mga ID at Php5,000.00 na cash.
Kaya kaagad itong humingi ng tulong sa Balanga Municipal Police Station at tinugis ang mga suspek na nakita sa CCTV footage na sakay ng getaway motorcycle.
Alas diyes bente nang mahuli ang isa sa mga suspek sa Roman Highway, Barangay Gugo, Samal, Bataan, samantalang nakatakbo naman umano ang isa pa sa madamong bahagi ng lugar.

