BABALA! SENSITIBONG BALITA:

DALAWANG MAGSASAKA, NAGNAKAW UMANO NG KALABAW AT GINAMIT SA ILIGAL NA PAGTOTROSO SA BALER AURORA

Huli ang isang magsasaka habang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang kasabwat nito matapos magnakaw ng kalabaw at ginamit ito sa illegal logging activities sa Baler, Aurora.

Hindi pinangalanan ang 34-year-old na naarestong suspek na itinuro ng isang saksi. Nagtatago naman ang kasabwat nito sa pagnanakaw at ilegal na pagtotroso na kwarentay kwatro-anyos na lalaki na isa ring magsasaka.

Base sa report ng Aurora Police Provincial Office, personal na iniulat sa Baler Municipal Police Station ng 54-year-old na magsasaka na naninirahan sa Brgy. Pingit, Baler noong September 7, 2025 na nawala ang kanyang humigit-kumulang dalawampong taong gulang na kalabaw nawawala na nakatali sa isang taniman ng niyog.

Agad na nagsagawa ng ng malawakang paghahanap ang mga pulis sa bulubunduking bahagi ng nasabing lugar kung saan isang saksi ang nagsalaysay na ginamit ng dalawang suspek ang kalabaw ng biktima para sa pangangahoy, dakong alas dos ng madaling araw.

Sa kanilang follow-up operation, nahuli umanong nagtitistis ng kahoy ang trentay kwatro anyos na suspek at na-recover ng kapulisan ang ninakaw na kalabaw.