BABALA! SENSITIBONG BALITA:

Sanhi ng patuloy na operation ng Nueva Ecija Provincial Police ay naaresto ang dalawang Most Wanted Persons sa mga bayan ng Talavera at Aliaga February 13, 2024.

Kinilala ang mga suspek na sina BRIAN KRISTIAN DYSICO y Solitario, 41 years old, residente ng Barangay Calipahan, Talavera, na dinakip dahil sa two (2) counts of Violation of BP 22 with recommended bail na nagkakahalaga ng Php36,000.00;

Habang ang kwarentay tres anyos na babaeng mula sa Barangay Sto. Tomas Aliaga ay inaresto sanhi ng five (5) counts of Violation of BP 22 na may pyansang Php30,000.00.

Dagdag dito, limang wanted persons pa na may katulad na kaso at may kaugnayan sa Swindling and Estafa ang dinakip din ng Talavera, Guimba, Zaragoza, at Santa Rosa Police Stations.