DALAWANG PUSONG NAKARANAS NG PAGKABIGO SA PAG-IBIG, KAPWA NAGHILOM NANG PAGTAGPUIN NG PANGINOON

Ibinahagi sa programang Count Your Blessings ni former Governor and Congresswoman Cherry Domingo-Umali, nina sister Marjorie at brother JR Guillermo, may-ari ng Rohi Paperflower & Café ang kanilang dinanas na pagkabigo, biyaya ng bagong pag-asa makaraan nilang sagupain ang hamon ng buhay at pagtagpuin sila ng tadhana.

Ayon kay sis Marj, noong una ay natatakot na siyang magkamaling muli dahil galing na siya sa isang (7) years na relationship na akala niya ay ikakasal na sya.

Nang magsabay-sabay aniya ang kanyang mga pagsubok sa buhay ay doon niya natagpuan ang Diyos.

Samantala, si brother JR naman ay kagaya rin ni sis Marj na nabigo sa pag-ibig sa dinaanang past rejection.

Unang pagkakataon aniya na sila ay nagkita ni sis Marj ay nung dinalaw nya ito sa bahay. Inakala niyang maayos na ang lahat sa kanila, ngunit dumating ang pagkakataon na sinabihan siya ni sis Marj na tumigil muna.

Naging magulo raw kasi ang buhay niya at parang may kulang bago pa niya nakilala ang Panginoon.

Pero hindi sumuko si brother JR.