DATING ESTUDYANTE SA SAN JOSE CITY, RISING OPM ARTIST NA!

Mula sa paggawa ng mga trending videos sa TikTok, online sikat na ngayon si John Aaron Obra o JAO, dating estudyante ng St. John’s Academy sa San Jose City, Nueva Ecija.

Ang kaniyang pinakahuling Extended Play o EP na “KABANATA” ay tumabo na ng mahigit 2.7M streams sa streaming platform na Spotify. Ang kaniyang lead single na TORPE rin ay naging #8 sa Viral 50 Philippines chart ng streaming platform. Napabilang na rin si Obra sa iba’t-ibang music awards gaya ng 36th at 37th Awit Award kung saan nominado ang kaniyang mga obrang Sa’yo, na kaniyang debut single, Blinded, at Tocino sa kategoryang Best Pop Recording.

Nito lamang May 6, 2025, nagperform ang rising OPM artist sa programang “Roadshow” ng Wish 107.5 sa Riverbanks, Marikina, kung saan kinanta niya ang kaniyang mga hit singles na TORPE, MAGHINTAY, at KABANATA.

Isang signipikong achievement rin ni Obra ay noong mapansin siya ni Ed Sheeran upang iduet ang kaniyang TikTok video noong 2021 na mayroon nang 367 thousand likes sa plataporma.

Si John Aaron Obra, o mas kilala sa propesyonal niyang pangalan na JAO, ay kasalukuyang mayroong 400 thousand monthly listeners. Siya rin ay kasalukuyang nakapirma sa PolyEast Records.

Tunay na hiyas at ipinagmamalaki ng mga Novo Ecijano.