DATING GURO SA KOREAN SCHOOL, ISA NG PASTORA

Kilala bilang dating English Teacher ng Korean School sa Pampanga ang ngayo’y Pastora na si Pastora Golden Guevarra.

Ibinahagi ni Pastora Golden kasama ang kanyang asawa na si Brother Ed Guevarra ang kanilang mga karanasan at pagpapala sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina Cherry Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman.

Ayon kay Pastora Golden na noong bago pa lamang siya bilang Christian, ay marami na ang nagsasabi na magiging Pastor siya balang araw, ngunit kaniya itong tinatanggihan at sinasabing hindi ito ang para sa kaniya.

Sa kasalukuyan, ay sama sama nang naglilingkod Sa Panginoon ang pamilya ni Pastora Golden at Brother Ed, at ang kanilang samahan bilang mag-asawa ay patuloy na pinagtitibay ng kanilang pananampalataya Sa Diyos.

Ayon sa mag-asawa, hindi lamang si Pastora ang nagsisilbi sa Ministry, kundi ang kanilang buong pamilya ay tulong tulong sa pagpapatakbo nito.

Tumatayo bilang Maintenance Head si Brother Ed, habang ang kanilang panganay na anak ang Youth Leader at Musician, at ang bunsong babae naman ang Assistant Pastor.

Sa kabila ng paglilingkod ng mag-asawa Ministry, ay labis ang pasasalamat Sa Panginoon ni Brother Ed sapagkat itinuturing niyang second life ang kaniyang buhay, matapos matamaan ng bala ng baril noong nadamay sa isang insidente.

Habang si Pastora naman ay dati na ring nagkaroon ng karamdaman, subalit sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang mga kalusugan.