BABALA! SENSITIBONG BALITA:
DATING PULIS, 2 KASABWAT HULI SA DRUG BUST SA GAPAN CITY
Arestado ang isang dating Police Officer 1 na itinuturing na high-value individual, at dalawang iba pa sa isang operasyon kontra droga na nagresulta sa pagkuha ng P30,600 halaga ng mga iligal na droga.
Kinilala ng Gapan City Police ang mga suspek na sina Alias Pipo, 45 years old, licensed criminologist, at residente ng Purok 4, Bgy. Maburak;
Si Alias Pipo ay dati umanong miyembro ng Special Weapons and Tactics Unit at naging pulis noong 2005 bago siya maging AWOL (Absent Without Official Leave) habang nakatalaga sa himpilan ng pulisya ng San Isidro, na naging sanhi ng kanyang pagpapaalis sa serbisyo noong 2010.
Ang dalawa pang ibang suspek ay sina alias Pedro, 37, high school graduate, residente rin ng Bgy. Maburak; at alias Robi, 27, walang trabaho, residente ng Purok 6, Bgy. Mangino, lahat sa lungsod na nabanggit.
Isinagawa sa Bgy. Maburak bandang 11:26 p.m. noong October 4, 2025 ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency-Nueva Ecija.
Sa ulat ni Dela Cruz kay Nueva Ecija top cop Col. Heryl L. Bruno, matagumpay na nakabili ang isang undercover cop ng P500 halaga ng shabu mula sa mga suspek, na naging sanhi ng agarang pag-aresto sa kanila.
Nakumpiska sa mga suspek ang 11 plastic sachet ng shabu na may timbang na 4.5 gramo at nagkakahalaga ng P30,600.
Ang mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya ng Gapan para sa tamang disposisyon. Ang mga nakumpiskang ebidensya ay isinumite sa forensic unit ng probinsya ng Nueva Ecija para sa laboratoryo examination habang ang mga naarestong suspek ay sasailalim sa drug test examination.

